Nilalaman sa Iba pang mga Wika - Tagalog
Ang Tagalog na bersyon ng website ng Radyo Telebisyon ng Hong Kong ay naglalaman lamang ng mga piling kapaki-pakinabang na impormasyon. Maaari mong ma-access ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyunal na Intsik o Pinasimpleng na Intsik.
Tungkol sa RTHK
Ang Radyo Telebisyon ng Hong Kong (RTHK) ay ang pambuplikong serbisyong tagapagbalita sa Hong Kong na nagbibigay ng serbisyo sa radyo, telebisyon mga serbisyo ng makabagong pamamahayag.
Mga Serbisyong May Kinalaman
Ang RTHK ay naglalaan ng bahagi ng kanilang oras sa radyo upang bigyan ng plataporma para sa komunidad, mga organisasyong di-pampamahalaan at mga kapuspalad upang makilahok sa pagbabalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng Serbisyong Pagsasahimpapawid na Sangkot ang Komunidad (CIBS).
Sa ilalim ng CIBS, ang karapat-dapat na mga indibidwal at mga organisasyon, kabilang ang mga taong magkakaibang lahi, ay maaaring mag-apply upang gumawa ng mga programa sa radyo na isasahimpapawid ng RTHK. Ang RTHK ay nagbibigay ng suportang pondo para sa aplikasyon ng mga interesado sa paggawa ng mga programa sa ilalim ng CIBS.
Ang CIBS ay kasalukuyang nagbibigay ng 17 oras ng mga bagong programa bawat linggo. Kabilang sa mga ito, ay hindi bababa ng 5 oras na partikular na nakatuon sa tema ng mga etniko minorya. Hanggang ngayon, kabilang sa mga wika ng pagbabalita sa mga programa ang Cantonese, Putonghua, Ingles, African, Arabic, Hakka, Hindi, Hapon, Kannada, Koreano, Nepali, Punjabi, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, Tamil, Telugu, Thai, at Urdu.